isang napakagandang storya....mga may shota o wala at ung may planong magkaron basahin nyu!!^^ =)

*gabe. usapang lalake*
*sindi ng yosi*
*hithit*
*buga*
Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto.
Nagmumuni-muni. Nag-iisip.
Minsan talaga may mga bagay na
hindi ko maintindihan. Ewan ko ba.
*hinga ng malalim*
Bakit ba ganun pare, ilang beses ko
na pinag-aralan pero lagi na lang
lumalabas na parang kahit `sang
anggulo mo tingnan, hindi nagiging
patas para sa mga lalake ang ilang
bagay pagdating sa pagmamahal.
*tingin sa stars*
Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga
babae ang hirap ng lalake na
gumawa ng first move para magtapat
ng pagmamahal? E yung hirap
na dinadaanan sa panliligaw at
pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng
masaktan pag nabasted? Malamang-
lamang siguro, hindi ano. Wala
naman yata silang alam sa mga
paghihirap naten e. Ang alam lang ata
nila e mamili, manakit, at magsaya.
Tingin mo?
*tingin sa malayo*
Lagi naman ganun. Una pa lang,
lalake na ang naghihirap. Hassle
saten ang panliligaw pero bago pa
yun, kung ano pang diskarte ang
gagawin naten para masabi naten sa
kanila na mahal natin sila. Alam
kaya nila yun? Mahirap magsabi na
mahal mo na yung babae, diba?
Tapos liligawan pa naten.
Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin
to-the-max. Maghahatid sa bahay,
tutulungan,
sasabayan,palalamunin,
pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e
pagsilbihan mo nang walang sahod.
At ano ang kapalit? Well, depende
sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila.
Wala silang pake kesehodang
mahal natin talaga sila. Basta ang
alam nila, pag di nila tayo trip,
isang malaking HINDE ang makukuha
naten, kahit umiyak pa tayo ng
dugo o lumuhod sa mga asing buu-
buo. Para lang silang namimili ng
damit na di man lang sinusukat bago
ayawan. Kaya kahit mahal na
mahal na mahal na mahal natin, sorry
tayo. Hindi nila alam kung mahal
mo sila. Kailangan mong maabot ang
kanilang mga standards o uuwi
ka lang na bad trip, iiling-iling, at
minsan, luhaan.
Wala tayong magagawa, marami
silang alibi. "Hindi pa `ko ready eh..",
"Sorry pero I think we should just be
friends..", "Ha? Uhhmm..
nagpapatawa ka ba?
Hahahaha.." "Better luck next time na lang
muna, okay lang?", "Give me a
decade. Pag-iisipan ko muna..", "Para
lang kitang kapatid e..", yaddah
yaddah. Isang malaking pagsasaklob
ng langit at lupa `yon para saten.
*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
At hindi lang `yon tol. Sa pre-
relationship stage pa lang yon. Pag
sinagot na nila tayo, satin pa rin ang
hassle. Tayo daw ang mga
lalake kaya tayo ang hahawak ng
relasyon. Tayo ang aayos kung may
gulo; tayo ang dapat magpapakabait;
tayo ang magtatyaga; tayo
ang magiging devoted at faithful; tayo,
tayo tayo.
Sila? Ummm... Teka, isipin ko.
Ayun. Sila ang magsasabi kung anong
oras kayo dapat magmeet; sila
ang magtetext ng mga mushy at
kabalbalang texts; sila ang
magdedemand sayo ng kung anu-
ano; sila ang magbabawal; sila ang
magsasabi kung kelan ka dapat mag-
shave, kung kelan ka pwedeng
tumawag sa bahay nila, kung kelan
sila di dapat bad tripin dahil meron
sila, at kung kelan ka korni. Ewan.
Ganun ata talaga.
*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat
tayo ang bahala kung ano ang
magiging takbo ng relasyon. Pag
maganda, edi okay. Pag may
problema, kasalanan naten. Haay
buhay. Minsan talaga kung tutuusin
sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal
naten kaya di na natin iniintindi yun.
*hinga ng malalim*
Pero alam mo tol, feeling ko mas
sincere pa tayo magmahal sa kanila.
Alam mo yun, iba tayo magmahal e.
Hindi lang parang laru-laro lang.
Seryoso. At kung magmahal man tayo,
lubus-lubusan. Mas mature.
Hindi yung parang pambata lang gaya
nila na kesyo magseselos-selos,
iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at
kung anu-ano pa. Hindi lang
kababawan. Ka-mushyhan.
Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.
*hinga ng malalim*
*tingin sa malayo ulit*
At ito pa ang pinakamasaklap.
*singhot*
Ang ending ng relasyon. Sa mga
panahong `to, either sawa na sila,
hindi na tayo trip, may nahanap na
silang better saten, o kaya they
need f*cking space and time muna.
Bad trip no? Wala na naman
tayong choice. Sila ang masusunod.
At ano pa ang kasamang hassle don?
Syempre wasak na ang imahe
naten. Tayo ang lalabas na may
kasalanan. Na playboy. Na
nagpapaiyak.
*iiling*
Tayo siyempre ang mga antagonist at
sila yung mga bidang inaapi at
parang mga pusang iiyak-iyak. Ang
ending: mag-ooffer sila ng
"friendship" kuno matapos tayong
pagsawaan, lahat ng gifts naten
nasa kanila, sawi tayo sa pag-
ibig, "player" na ang image naten, at
higit sa lahat, mag-iisip kung papaano
ipagpapatuloy ang buhay.
Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung
saan nagkamali, mamomroblema
sa pag-aadjust sa pagiging single, at
di na naman makakatulog.
Haay buhay. Ang hirap maging lalake.
Lagi ka na lang naiiwan sa ere.
Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka
no?
Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi.
Bubuntong-buntong hininga.
Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni.
Lalagok-lagok ng alak.
Ang mga babae talaga, oo.
###############
Sa totoong buhay, hindi nagyoyosi
ang may-akda. Kasalukuyan
siyang may minamahal at naisulat
niya ito isang gabing wala siyang
magawa.
###############
Ang Mga Lalake Talaga, oo
(tugon kay redrope)
by xristel
Kaming mga babae na naman ang
nakita. Lalake, agrabyado. Lalake,
kinakawawa. Lalake, hindi
maintindihan.
Tungkol sa pagiging patas sa ngalan
ng pag-ibig, kami naman ang
laging talo, hindi kayo. Kami ang
laging lugi, kami ang laging
nawawalan at iniiwan.
Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-
ayos ng konti pagkakamalan ka
nang malandi. Hindi
pangseryosohang relasyon. Marinig lang
nila
na
malakas kang magsalita, palengkera
ka na. T.O. kagad sa kanila iyon.
Mahilig silang tumingin sa mga
babaeng sexy manamit, kulang nalang
makita na kaluluwa. Pero kapag
babaeng seryosohin at gustong
ligawan dapat disente, dapat mala-
anghel ang mukha, dapat mukhang
inosente. Tapos kami pa raw ang
mahilig mamili? Parang baliktad yata?
Ok, ayan nanliligaw na si lalake.
Dapat pakipot ka para suyuin ka,
para habulin ka pa lalo. Kapag hindi
ka naman magpakipot "easy to
get" naman ang tingin sa iyo. Hindi ka
na seseryosohin. Sino bang
may sabing magpaalila kayo, di
naman namin hawak ang buhay niyo.
Natural lang na magtiis kayo, may
gusto kayo sa amin eh. Kapag
nakuha niyo na iyon wala na lahat ng
mga paghihirap niyo, babaliktad
na ang sitwasyon kami naman ang
mamromroblema. Para lang kayong
may gustong bilhin na bagay. Upang
mabili ito kailangan munang
magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag
nabili na at napagsawaan wala
na, balewala na. Diyan ka na sa tabi-
tabi. Tawagan nalang kita pag
trip ko o kaya'y pag may gusto akong
ipagawa sa iyo.
Ano pa ba? E di sinagot mo na diba.
Utang naloob pa natin yun.
Dahil naghirap daw sila sa panliligaw
dapat masuklian natin iyon ng
higit pa. Sa umpisa kailangan
malambing ka, maayos at laging
magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang
humawak ng relasyon, pero
kapag ikaw naman ang nagmando,
aba, masasakal naman. Sasabihin
pa sa iyo "demanding" ka. Meron ka
pang maririnig na "I think we need
space" at kung anu-ano pang ek-ek.
Sino rin may sabing di dapat
kami magpakabait, maging devoted at
faithful? Kapag kami ang
sumaway niyang mga iyan, iba na ang
tingin sa amin. Malandi na kami,
haliparot, pakawala, makikay at kung
anu-ano pang mga bansag ang
itatawag sa amin. Kapag kayo
gumawa noon, ok lang. Lalake kayo eh,
macho kayo pag ginawa niyo iyon.
Kaya kami. Walang magawa.
Magpapakaburo at magpapakamadre
nalang. Kapag nagloko na kayo
ano pa bangmagagawa namin? Eh di
iiyak nalang. Wala namang ibang
magagawa eh.
Hindi kami nagdedemand!
Karapatan lang namin iyon. Karapatan
namin na lambingin niyo kami, icheck
at ipakita sa amin na mahal niyo
kami.
Hindi rin ibig sabihin na mas sincere
kayo sa amin. Seryoso rin naman
kami. At ang maturity wala yan sa
edad. Mas maaga nga kaming
magmature sa inyo. Ang isang 19 year
old na lalake eh, isip 15 pa
yun. It follows iyan sa lahat ng age
group. Mas mataas pa nga kung
minsan ang pagbawas ng level of
maturity. Kayo na ang mag-math.
Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya
niyo. Kesyo drama daw. Diba
kapag umiyak ka nagbuhos ka ng
emosyon diyan. Ano tingin niyo sa
amin mga artista?!
Alam niyo iyon? Yun bang kulang
nalang ay lumuha ka na ng dugo,
pero hindi ka pa rin papansinin.
Sasabihan ka pang tigilan na ang
pagdradrama. Hindi nila kami
maintindihan kapag nagseselos kami.Bakit
naman kami magseselos kung wala
kaming nakikita? Mas iba kaming
magmahal. Mas masarap.
Kapag natapos na ang lambingan,
eh di siyempre iwanan blues na.
Kami pa raw ang nagsawa, kami pa
raw ang nagtritrip lang. Sino ba
ang lumalayas kapag may nakita nang
bago, sino ba ang mayabang,
sino ba ang nagmamalaki? Kami ba?
Kami ang walang choice. Kasi ang
babae pag sinabing "break na tayo"
lambingin lang iyan ng konti
balikan blues na iyan. Kapag ang
lalake ang umayaw, pucha, bahala
ka diyan. Kahit mag-tambling ka pa sa
harap niya. Wa-epek. Umiyak
ka ng bato. Wa- epek. Tsk, tsk, tsk.
Tapos sila pa raw ang kawawa.
Post-break up, mahal pa ng babae si
lalaki. Sasamantalahin ni lalaki.
Magpapagawa ng kung anu-ano.
Naaalala ka lang kapag may
kailangan sa iyo. Kapag pumangit ka
after the break up,
magpapasalamat sila na iniwan ka
nila. Kapag gumanda ka naman,
ipagkakalat nila sa buong
sangkatauhan na naging girlfriend ka niya.
Sala sa init sala sa lamig talaga.
Ano ba namang buhay to? Ang hirap
ding maging babae ano. Kala
nila laging sila na
lang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. In-love
din kami.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home